April 20, 2026

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

Ika-430 taong kapistahan ng Nuestra Señora de Candelaria at ang 3 araw na selebrasyon nito

Ika-430 taong kapistahan ng Nuestra <b>Señora de Candelaria at ang 3 araw na selebrasyon nito</b>
Photo courtesy: Kate Garcia/Balita

Isa ang simbahan at imahen ng Nuestra Señora de Candelaria sa pinakamatatandang simbahan at patron sa buong bansa. Sa Cavite, ito ang simbolo ng katatagan at katibayan, bilang ito rin ay kinikilalang pinakamatandang “baroque structure” sa naturang lalawigan. Subalit sa bayan ng Silang, kung nasaan nakalagak ang daang taong simbahan at imahen nito, ito ay simbolo ng gabay at liwanag sa mga deboto nito. 

Ayon sa tala ng isang Espanyol at Hesuitang si Pedro Murillo Velarde, nagsimula umano ang debosyon ng Silangueños nang matagpuan ng isang Pilipino ang imahen ng Nuestra Señora de Candelaria sa isang burol sa bayan ng Silang, Cavite. 

Isang imahen ng birheng Maria na may dala-dalang kandila, para sa mga deboto nito, ito raw ang sagisag ng kaliwanagan. Ipinagdiriwang ang selebrasyon nito tuwing sasapit ang Pebrero 1 hanggang 3. Isang tatlong araw na selebrasyon, hindi lamang para sa imahen, ngunit para sa pasasalamat sa masaganang ani sa buong taon. 

Taon-taon nang nakatatak sa bayan ng Silang ang tatlong araw na programang laan para sa kapistahan ng naturang birhen. Ang Perbreo 1 o ang “bisperas” ng pista at ang huling araw ng pagnonobena para sa Candelaria. Susundan naman ito ng pinakasentro ng kapistahan tuwing Pebrero 2 kung nasaan ang tradisyunal ng “Marching Band Parade” na bumabaybay sa bayan ng Silang. Saklaw ng nasabing programa ang paghahandog ng 16 anim na barangay sa bayan ng Silang ng kani-kanilang mga banda na sinisita pa mula sa iba’t ibang karatig lalawigan ng Cavite. Habang ang Pebrero 3 naman ang tinatawag na “altares,” dito rin nakapaloob ang mas makulay pang programa sa kapistahan ng Candelaria kung saan tampok ang street dancing ng mga kabataan at karakol.

Taong 2017 nang kilalanin ang Nuestra Señora de Candelaria bilang isang “National Cultural Treasure of Cavite ng National Museum. 

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Ano ang ‘Husband Appreciation Day’?

KAUGNAY NA BALITA: Silang Church, national cultural treasure sa Cavite

Sinubok man ng ilang lindol at pagputok ng bulkang Taal, nananatiling matatag ang simbahan ng Silang, at nananatiling buhay ang mayabong na tradisyon nitong nagpasa-pasa na sa mga henerasyon.