January 20, 2026

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

Ricky Lee, nagpa-meet-and-greet sa CCP Pasinaya 2025

Ricky Lee, nagpa-meet-and-greet sa CCP Pasinaya 2025
Photo: MJ Salcedo/BALITA

Naka-meet-and-greet ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee ang ilang mga aspiring writer at filmmaker sa bansa nitong Linggo, Pebrero 2.

Sa nasabing programa na ginanap sa Tanghalang Ignacio Gimenez Parking, nagkaroon ng open mic o pagtatanong upang magkaroon ng pagkakataon ang aspiring writers at filmmakers na humingi ng tips at inspirasyon mula sa national artist.

Hinikayat ni Lee ang lahat na magpatuloy na magsulat at gumawa ng mga paraan para maisakatuparan ang kanilang mga passion o gustong gawin.

“Yung passion, huwag mong hayaang manatiling passion. Lagyan mo ng action. Huwag kayong aspire lang nang aspire, magsulat kayo,” ani Lee.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Mga imahen ng Sto. Niño na tanging aprubado ng Simbahang Katolika

Pagkatapos ng pagtatanong ay nakadaupang-palad din ng national artist ang mga dumalo at nagpa-unlak ng autograph at photo opportunity.

Bahagi ang naturang event ng pagdiriwang ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na CCP Pasinaya 2025.