February 08, 2025

Home FEATURES Trending

Bardagulan sa harap ng mall sa Calamba, dahil sa 'love triangle?'

Bardagulan sa harap ng mall sa Calamba, dahil sa 'love triangle?'
Photo courtesy: Screenshots from Tata Lino (FB)

Viral ang isang video ng eskandalo sa kalsada sa harapan ng isang kilalang mall sa Calamba, Laguna, na ayon sa mga kumakalat na usap-usapan ay dahil daw sa "love triangle."

Sa Facebook page na "Tata Lino," makikita ang eksena ng dalawang lalaking tila nagpang-abot at nag-aaway dahil sa isang babae.

Makikitang sa kalsada mismo lumikha ng komosyon ang tatlo, at dahil nakasakay sa mga kotse, ay nagdulot ng aberya sa iba pang motorista.

"Love Triangle sa 1st day ng love month," mababasa sa caption.

Trending

Lalaki, nag-hire ng yaya; suweldo nito, higit pa sa sahod ng 'palamunin' niyang ka-live in

Mapapanood sa video na matapos sapakin ng isang lalaking nakasandong itim ang lalaki ay agad itong pumasok sa kaniyang kotse. Ang babaeng tila pinag-aawayan naman ay sumunod sa tabi ng driver's seat.

Patuloy na nagwala ang lalaking nakasando at pinalalabas sa kotse ang lalaki.

Hindi naman malinaw kung talaga bang away-pag-ibig ang dahilan ng nabanggit na gulo. Ngunit marami naman sa mga netizen ang hindi naiwasang mapakomento rito.

"Hindi mo mauunawaan ang sakit kapag nandiyan kana sa ganyang sitwasyon . It's painful kaya ganyan nlang siya mag react hindi siya nakapag isip ng tama ."

"Iwan mo nalang brad. Madame dyanng babaeng pwede iwan sa bahay at pambahay na babae. Yang mga ganyang babae tatanda nalang ng paganyan ganyan nalang s buhay."

"Nakakaloka ang mga ganiyang ganap, nandamay pa talaga ng iba..."

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa mahigit 2.5M views ang nabanggit na video.