Inispluk ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang umano’y magandang balita tungkol sa ex-celebrity couple na sina KC Concepcion at Aly Borromeo.
Si Aly ay isang Filipino-American football player na nakarelasyon ni KC noong 2016 bago tuluyang magkahiwalay noong 2018.
Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” noong Huwebes, Enero 23, deserve daw ni KC ng isang taong makakapagpasaya rito.
“Ang gandang balita nito kung totoo, ‘di ba,” saad ni Cristy. “Sabi nga nila, ‘yong pangalawang pagkakataon is sweeter than before, ‘di ba? Si KC Concepcion deserve naman somebody na makakapagpasaya sa kaniya.”
“Ilang taon na si KC, ‘di ba. Inaasahan nga ng marami mag-aasawa na siya at magkakaanak,” dugtong pa ng showbiz columnist.
Segunda naman ng co-host niyang si Romel Chika, “Kaya pala siya nagpapapayat kasi isang athlete ang kaniyang laging kasama.”
MAKI-BALITA: KC Concepcion, pumayat na; babalik na raw sa pag-arte?
Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina KC at Aly hinggil sa nasabing tsika.