Usap-usapan ang nirepost na TikTok video ni Jam Villanueva, patungkol sa pagpapatawad sa sarili, na ngamula naman sa TikTok account na "@gmindset.official."
Si Jam ay ang kontrobersiyal na ex-girlfriend ng Kapamilya actor na si Anthony Jennings, na lumikha ng ingay ilang araw lamang pagpasok ng Disyembre, matapos isiwalat ang umano'y "landian" ng kaniyang ex-boyfriend at katambal nitong si Kapamilya actress Maris Racal.
MAKI-BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings
Ilang araw ding pinagpiyestahan ng mga balita at tsika ng netizens sa social media ang nabanggit na mga pasabog, na nagsanga-sanga na rin at lubusang nakaapekto sa MaThon, partikular sa ilang endorsements.
MAKI-BALITA: Maris Racal, niligwak na bilang endorser ng isang kompanya
Agad namang naglabas ng public apologies nang magkahiwalay ang kani-kanilang mga kampo, sa pamamagitan ng Star Magic.
MAKI-BALITA: Anthony Jennings, nagsalita na rin; nag-sorry kina Jam at Maris
MAKI-BALITA: Maris Racal, aminado sa ginawang pagkakamali: 'I'm lonely and getting attention from Anthony'
Kaya naman, hinuhulaan ng mga netizen na ang tungkol sa forgiveness sa sarili na nireshare niya ay para umano sa kaniya at sa lahat daw ng mga taong nakaka-relate sa kaniya.
Laman naman ng TikTok video, "Forgive yourself for letting someone make you feel like you were easy to let go."
"Forgive yourself for making them number one when you were just a second thought."
"Forgive yourself for helping them heal when all they did was to hurt you."
"Forgive yourself for giving them your best when all they gave you was their worst."
"Because your heart is pure, and even though you don't have them, you'll always have that."
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo nina Maris at Anthony tungkol dito.