Ibinida kamakailan ng paresan owner, social media personality, at fourth nominee ng Vendors party-list na si Deo Balbuena alyas "Diwata" ang bagong pinagkakaabalahan ngayon: ang pagbuo ng isang single album dahil isa na siyang recording artist!
Makikita sa Facebook page ni Diwata ang "behind-the-scene" footage ng kaniyang "recording artist era."
"Bagong aabangan nag recording na ako ng kanta ko," caption ni Diwata sa kaniyang Facebook post noong Nobyembre 19.
Hindi naman sinabi o binanggit ni Diwata kung ano ang pamagat at tungkol saan ang kaniyang nilulutong awitin.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"sobrang ganda talaga Ng boses mo diwata. Ngayon lang Ako naka rinig Ng boses na walang katulad. Grabi talaga Ang layo Ng mga singers Ng buong mundo kumpara sa boses mo na walang kabuhay buhay. Ikaw na talaga diwata Ang pinakamagaling sa buong Mundo."
"Bilang miyembro ng DMH(Department of Mental Health), humihingi kami ng paumanhin sa publiko na ang nag-post nito ay isa sa aming mga pasyenteng nakatakas dito. Tinitiyak namin sa inyo na gagawin namin ang lahat para maibalik sila. Salamat!"
"Huwag mong ituloy diwata maawa kana baka dadami pa ang bagyong dumating sa ating bansa."
"ok yan diwata lahat sinubukan mo sa hamon ng iyong buhay naging matagumpay ka ok at kilala kana ng buong pilipinas dahil sa iyong pag susumikap at sa masarap mong paresan at diyan ka nakilala hanga talaga ako sayo dahil nagsikap ka pero sa isang banda nalungkot ako baket kamo nilamon ka ng sistema diwata sayang noon maraming nag mamahal sayo pero ngaun ewan ko meron man konte nalang at may kasabihan tayo sana huwag mang yari sayo to kung san ka nang galing don rin bagsak mo."