December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Tom Rodriguez umaming tatay na!

Tom Rodriguez umaming tatay na!
Photo courtesy: Screenshots from Nelson Canlas (IG)

Inamin na ni Kapuso actor Tom Rodriguez na isa na siyang tatay, at ang ina ng kaniyang apat na buwang gulang na anak na lalaki ay kaniyang bagong karelasyon.

Sa panayam ni GMA showbiz news reporter Nelson Canlas, galing na mismo kay Tom ang kumpirmasyon mula sa mga kumakalat na espekulasyon kamakailan.

"I feel great, he is my great source of inspiration," all-smile na sabi ni Tom.

Hindi naman daw intensyong itago ni Tom ang totoo. Kapag may nagtatanong daw sa kaniya lalo na kasamahan sa work, sinasagot daw niya ito. 

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pinangalanan nila ang anak na "Korben" na hango raw sa Bibliya. 

Matatandaang naging usap-usapan ang Instagram stories ng Kapuso actor tungkol sa isang larawan ng caricature baby, na tila pinaghehele.

May background music ito na "Feeling so la-la-la" na kinanta ng LeaFie.

Sa ibaba ay mapapansin ang tatlong emoji na may heart.

Sa isa pang Instagram story, makikita naman ang caricature photo ng isang batang lalaki, na may caption na "Midnight Doodling" sa saliw naman ng "Joy in the Little" ng Mellow.

MAKI-BALITA: ‘Baby post’ ni Tom Rodriguez, soft launch bang may anak na siya?