October 07, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sarah Geronimo, 'binuntis' na naman!

Sarah Geronimo, 'binuntis' na naman!
Photo Courtesy: Sarah Geronimo (IG)

Tila hindi pa rin umano tinatantanan ng mga fake news peddler ang nag-iisang “Popstar Royalty” na si Sarah Geronimo.

Sa latest episode kasi ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Oktubre 7, pinag-usapan ang tungkol sa umano’y pekeng balita na buntis na raw si Sarah. 

“Kaya tuloy hindi natutuloy, e. Kasi nga laging ganyan sinasabihang nagdadalang-tao na pero hindi pa pala. Nakakalungkot kung sa totoo lang,” saad ni showbiz columnist Cristy Fermin.

“Dahil ilang taon na rin silang nagpakasal at mag-asawa ni Matteo Guidicelli pero hanggang ngayon wala pa rin silang anak,” wika niya.

Tsika at Intriga

'Dzaddy' Sam Concepcion, nag-react sa mga 'naglaway' sa biceps niya

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Pero in time, ika nga natin. In God’s perfect time darating din. Dahil, naku, bata pa naman sila, e.”

Payo naman ng co-host ni Cristy na si Romel Chika, hayaan na lang daw muna ang mag-asawa at huwag nang stressin pa.

“Antay-antay lang po tayo,” aniya.

Matatandaang pinaghinalaan na rin noong Oktubre 2023 na buntis umano si Sarah dahil sa mga detalyeng nagpapahiwatig umano na may laman na nga ang sinapupunan nito.

MAKI-BALITA: Sarah Geronimo, pinaghihinalaang buntis na