October 05, 2024

Home SPORTS

Team Senate, nananatiling undefeated sa UNTV Cup

Team Senate, nananatiling undefeated sa UNTV Cup

Nangunguna pa rin ang koponan ng Senate Sentinels matapos pataobin ang AFP Cavaliers sa elimination round ng UNTV Cup nitong Linggo, Agosto 25, 2024.

Nananatiling malinis ang record ng mga senador, 5-0 na pinangungunahan nina Sen. Bong Go, Sen. Joel Villanueva at dating senador Sonny Angara. Ilan sa mga koponang tinambakan ng Senate Sentinels ay ang DOJ Beacons Executive, 89-75 kung saan itinanghal na player of the game si Sen. Go na may 23 points, 3 rebounds at 3 assists.

Bigo rin ang koponan ng Office of the President Executives sa Sentinels matapos kapusin ng 5 puntos sa huling quarter. Na-sweep din ng koponan ang DFA Diplomats 20-0 at wagi rin sila kontra GSIS Furies 74-62.

Matatandaang nag-kampeon na rin ang koponan sa UNTV Cup noong 2023 at nakatanggap ng ₱1 milyon. Ang nasabing pabuya ay idinetso nila sa Tahanang Walang Hagdan.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Kate Garcia