December 23, 2024

Home SPORTS

First ever 4-point rule ng PBA, pasabog sa PBA fans

First ever 4-point rule ng PBA, pasabog sa PBA fans
Photo courtesy: PBA Website

Pinatunayan ni Meralco Bolts Chris Banchero na hindi lang pakulo ang bagong 4-point rule ng PBA.

Ito ay matapos siyang umiskor nang pakawalan ang crucial 4-point shot kontra Magnolia Hotshots sa opening game ng 49th season ng PBA Governor’s cup, kahapon sa Araneta Coliseum.

Si Banchero ang kauna-unahang PBA Player na buminyag sa 27 feet marker ng 4-point line. Tinapos ng Bolts sa limang kalamangan ang dikdikang laban 99-94 kontra hotshots.

Nitong nakaraang buwan ng mag-anunsyo ang PBA tungkol sa implementasyon ng 4-point system. Hinango ang naturang “4-point system” sa kinaaliwang All Star game na mayroon namang 5-point play. Isa sa mga kumasa dito si Robert Bolick na tumira mula sa 4-point line na siyang tumabla sa Team Japet 140-140.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagbukas kahapon ang season 49 ng Governor’s Cup kung saan eksklusibo rin ang 49php na opening ticket para sa Gen Ad, upper at lower box seats. Parte ito sa target ng PBA board na muling buhayin ang “team live” PBA fans.

Kate Garcia