Nasawi ang 11 indibidwal matapos tupukin ng sunog ang isang commercial building sa 555 Nuevo Street sa Binondo, Maynila nitong Biyernes ng umaga, Agosto 2.
Sa ulat ng Manila Bulletin, inihayag ng Bureau of Fire Protection (BFP) na na-trap umano ang naturang 11 indibidwal sa loob ng nasunog na gusali.
Ayon pa sa BFP, itinaas sa first alarm ang sunog dakong 7:28 ng umaga hanggang sa second alarm bandang 8:14 ng umaga.
Naapula umano ang sunog dakong 10:03 ng umaga.
Ito ay isang developing story.