November 24, 2024

Home BALITA National

VP Sara, hiniling sa mga tagasuportang tiyakin kaligtasan ng pamilya niya

VP Sara, hiniling sa mga tagasuportang tiyakin kaligtasan ng pamilya niya
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

“Isa lang ang hiling ko sa inyo — ang kaligtasan ng aking pamilya.”

Matapos niyang magpasalamat sa mga nagboluntaryo para sa kaniyang seguridad nang tanggalan siya ng security escorts, hiniling ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang mga tagasuporta na huwag silang mag-alala sa kaniya, bagkus ay tiyakin daw sana nila ang kaligtasan ng kaniyang pamilya. 

Matatandaang nitong Lunes, Hulyo 29, nang maglabas si Duterte ng 4-page open letter para kay Philippine National Police (PNP) chief Rommel Marbil kung saan tinalakay niya ang mga isyu at mga kasinungalingan umano nito tungkol sa pagbawi ng security team ng Office of the Vice President (OVP).

MAKI-BALITA: VP Sara pinatutsadahan si PNP Chief Marbil: 'Batas ka lang, hindi ka Diyos'

National

Sen. Bato, iginiit na ‘di 'active threat' tirada ni VP Sara vs PBBM: ‘Maybe a conditional threat'

Matapos nito, nanawagan naman si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa mga dating pulis at militar na maging volunteer security ni Duterte, bagay na tinugunan naman ni Senador Robin Padilla at ilan pa umanong personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP, at mga ordinaryong mamamayan na nais daw mag-ambag para sa kaniyang kaligtasan.

Ipinaabot naman ng bise presidente ang kaniyang pasasalamat sa mga ito sa pamamagitan ng isang pahayag nitong Martes, Hulyo 30.

MAKI-BALITA: VP Sara, nagpasalamat kina Sen. Bato, Robin sa pag-volunteer para sa seguridad niya

Sa naturang pahayag ay sinabi rin ni Duterte na huwag daw sanang mag-alala sa kaniya ang kaniyang mga tagasuporta, bagkus ay huwag daw sana nilang payagan na may mangyaring karahasan laban sa kaniyang ina, asawa, at apat na anak.

“Huwag kayong mag-alala sa akin. At hindi ninyo kailangan mag-ambag ng pera para sa security ko. Ang pagtatrabaho sa pamahalaan ay pag-alay ng buhay para sa bayan. Alam nating lahat na bahagi ito ng serbisyo,” ani Duterte.

“Isa lang ang hiling ko sa inyo — ang kaligtasan ng aking pamilya. Huwag ninyong payagan ang anumang karahasan sa aking ina, asawa at apat na anak, personal man o sa internet. At kung sakali man, huwag ninyong palampasin ang sinumang gagawa ng kapahamakan laban sa kanila,” saad pa niya.

Matatandaang noong nakaraang linggo nang kumpirmahin ni Duterte na naglabas ng order si Marbil kung saan ni-relieve ang lahat ng 75 tauhan ng PNP Police and Security Group na dating nakaatas para sa kaniyang proteksyon. 

MAKI-BALITA: VP Sara, kinumpirma pag-relieve ng 75 personnel na itinalaga para sa proteksyon niya