December 23, 2024

Home BALITA National

P10M pabuya, ibibigay sa makapagtuturo kay Quiboloy -- Abalos

P10M pabuya, ibibigay sa makapagtuturo kay Quiboloy -- Abalos
Pastor Apollo Quiboloy (MB)

Inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na bibigyan ng ₱10 milyong pabuya ang sinumang makapagbibigay ng impormasyong magiging dahilan ng pagka-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy.

Sinabi ito ni Abalos sa isang press briefing sa Quezon City nitong Lunes, Hulyo 8.

“Gusto ko pong ianunsyo sa mga nanonood na meron tayong mga kaibigan na gustong tumulong sa paghahanap sa kanila, at nag-ooffer ng reward ng ₱10 million for any information leading to the arrest of Pastor Apollo Quiboloy,” ani Abalos.

Ang naturang pagbibigay-pabuya sa kay Quiboloy ay may kaugnayan daw sa kinahaharap niyang kasong sa kasong “ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS ACT OF 2003 (RA

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

9208 AS AMENDED BY RA 10364), REPUBLIC ACT 7610 (SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINST ABUSE, EXPLOITATION, AND DISCRIMINATION ACT), AND CONTEMPT OF COURT.”

Samantala, mayroon din daw tag-isang milyong pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon sa mga kapwa-akusado ni Quiboloy, na sina Cresente C. Canada, Paulene C. Canada, Ingrid C. Canada, Sylvia C. Cemañes, at Jackielyn W. Roy.