Tuloy na tuloy na ang sequel ng box-office hit na “Hello, Love, Goodbye” nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

Sa ulat kasi ng ABS-CBN News nitong Linggo ng tanghali, Mayo 18, kinumpirma na ng Star Cinema at GMA Pictures ang pagbabalik-tambalan nina Alden at Kathryn. 

“As first reported by Deadline, the sequel will be titled ‘Hello, Love, Again.’ It will be released on November 13 in the Philippines, with international releases to follow,” saad sa ulat.

Matatandaang kamakailan lang ay naglabas ang GMA Pictures at Star Cinema ng isang video teaser bilang pahiwatig sa kauna-unahan nilang movie collaboration.

Pelikula

Anyare? Jessy Mendiola, lilitaw dapat sa 'Mallari'

MAKI-BALITA: GMA Pictures, Star Cinema magsasanib-pwersa para sa isang pelikula

Pero bago pa man ito ay nagbigay na ng pahayag si Alden tungkol sa sequel ng “Hello,  Love, Goodbye.”

MAKI-BALITA: Alden Richards, hoping sa sequel ng ‘Hello, Love, Goodbye’

Matagal na kasi talagang hinihirit ng fans na sundan na ang nasabing pelikula at ngayong single na si Kathryn ay lalong lumakas ang panawagang ituloy ito. 

MAKI-BALITA: Fans ng ‘Hello, Love, Goodbye’ nina Kathryn Bernardo, Alden Richards, hirit na ang sequel