Kinondena ng Department of Education (DepEd) ang pagpatay sa Grade 8 student Agoncillo, Batangas noong Miyerkules ng umaga, Abril 17.

Sa Facebook post ng DepEd nitong Biyernes, Abril 19, nagpaabot sila ng pakikiramay at panalangin para sa naulilang pamilya at mga kaibigan ng nasabing estudyante. 

“There is no place for such a brutal act in our society, more so against children who we aim to nurture as peace champions and nation builders,” anila.

“We deplore this heartless act of violence against our learners. The agency likewise calls on local authorities to exhaust all efforts to ensure accountability of the perpetrator and render swift justice,” anila

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Dagdag pa ng ahensya: “DepEd reaffirms its commitment in providing a safe and child-friendly environment in our schools for our teachers and learners, as we urge concerned law enforcement authorities to strengthen security measures to ensure the safety and protection of our children around our schools.”

Matatandaang ayon sa ulat, naglalakad umano mag-isa ang biktima papunta sa paaralang pinapasukan nito sa Banyaga National High School nang bigla siyang barilin ng isang lalaki gamit ang 9mm pistol.