Ginawaran ng Philippine National Police Academy Alumni Association Inc. (PNPAAAI) si Anna Mae Yu Lamentillo ng Adopted Lakan Award sa ginanap nitong ika-44 na Grand Alumni Homecoming noong Marso 8, 2024.

Si Lamentillo ay isang adopted member ng PNPA Bagsay-Lahi Class of 2006.

“Lubos kong ikinararangal ang pagkilalang ito mula sa PNPAAAI. Ang pagiging bahagi ng iginagalang na organisasyong ito ay isa nang pribilehiyo. Kaya’t inihahandog ko ang aking trabaho at adbokasiya para sa pag-angat ng aking PNPA Class Bagsay-Lahi, at sa pagsusulong ng misyon ng PNPA Alumni Association na mag-ambag sa pangkalahatang kaunlaran ng ating bansa,” ani Lamentillo.

Noong administrasyon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte, si Lamentillo ang chairperson ng Build Build Build (BBB) Committee ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang concurrent chairperson ng Infrastructure Cluster Communications Committee.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Sa panahong ito, nakipatulungan siya sa PNP para sa mga proyekto ng Tatag ng Imprasktraktura para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKAS) na nagbigay ng mga pasilidad sa imprastraktura para sa iba’t ibang unit ng PNP.

Sa kasagsagan ng pandemya, nakipagtulungan din si Lamentillo sa PNP sa pagbuo at pamamahala ng COVID-19 isolation facilities at modular hospitals. Ang mga imprastrakturang ito ay mahalaga sa pagpigil ng virus at sa pagpapalaki ng kapasidad ng mga ospital.

Noong 2022, si Lamentillo ay hinirang na Undersecretary for Public Affairs and Foreign Relations ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kung saan pinamunuan niya ang strategic communications at media, international relations, at legislative affairs ng Department. Pinangunahan din niya ang mga pagsisikap ng Departamento na may kaugnayan sa Build Better More upang suportahan ang pagsusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang tunay na digital na Pilipinas.

Sa kaniyang panahon sa DICT, nagpaabot siya ng tulong sa panahon ng deliberasyon, pagsusuri at kasunod na pag-apruba ng DICT ng Information System Strategic Plan (ISSP) ng PNP, isang three-year ICT-development roadmap. Ang pag-apruba ng ISSP ay isang requirement ng Department of Budget and Management (DBM) upang aprubahan ang pangangailangan ng pondo para sa mga programa, proyekto at aktibidad na may kaugnayan sa ICT, at ang kanilang pagsasama sa National Expenditure Program.

Sa kasalukuyan, si Lamentillo ay nag-aaral sa London School of Economics at nagsisilbi bilang Chief Future Officer ng Build Initiative, isang non-profit na organisasyon na naglalayong mag-ambag sa pagbuo ng isang sustainable at inclusive na lipunan sa pamamagitan ng paggamit ng kapangyarihan ng digital na teknolohiya.