“Let us bring our teachers back to the classrooms.”

Ito ang saad ni Education Secretary at Vice President Sara Duterte sa presentasyon ng 2024 Basic Education Report nitong Huwebes, Enero 25.

Matatandaang noong Setyembre 2022, pinag-iisipan na ng Department of Education (DepEd) na tanggalin ang administrative task sa mga guro at ibigay sa mga non-teaching personnel, upang mas makapagpokus sila sa paghahanda sa kanilang pagtuturo.

Maki-Balita: DepEd, balak tanggalin admin tasks sa mga guro para makapagpokus sa pagtuturo

KILALANIN: Sino ang pumanaw na mister ni Dina Bonnevie na si Deogracias Savellano?

Sa naturang presentasyon, masayang ibinahagi ng bise presidente na tatanggalin na ang administrative task sa mga guro.

"We have always express our intention to remove administrative tasks from our teachers," saad ni Duterte. "After holding several consultations with our field personnel, the Department Order on the removal of the administrative tasks for teachers will be release tomorrow. And the corresponding strand memorandum will be released next week."

Magkakaloob din umano ang DepEd ng karagdagang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) upang makapag-hire ng administrative support staff ang mga paaralan.

“To ensure its effective implementation along with the filling up of 5,000 administrative personnel for 2023 and another 5,000 administrative personnel for 2024, we will also be providing additional MOOE to hire the necessary administrative support staff,” ani Duterte. “Let us bring our teachers back to the classrooms.”