Ipinagbawal muna ng gobyerno ang pag-i-import ng poultry products mula sa Japan dahil na rin sa outbreak ng avian influenza o bird flu.
Binanggit ng Department of Agriculture (DA), kabilang sa ipinagbabawal ang pag-aangkat ng itlog at day-old na sisiw sa naturang bansa.
Sa memorandum order ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., pinasususpindi rin muna nito ang pagpapalabas ng sanitary at phytosanitary import clearance para sa pagpasok sa bansa ng mga wild bird at poultry product mula sa naturang bansa..
National
House Resolution para sa Presidential Pardon ni Mary Jane Veloso, isinulong!
Nagbanta ang ahensya na ibabalik at kukumpiskahin ang mga poultry product at wild bird na naipadala na sa bansa o naibiyahe na pagkatapos ng Nobyembre 10, 2023.
Idinahilan ng DA na isa lamang ito sa hakbang ng pamahalaan kasunod ng report ng Ministry of Agriculture, Forestry, and Fisheries ng Japan sa World Health Organization (WHO) for Animal Health ang pagkalat ng bird flu noong Nobyembre 28, 2023.