Bago salubungin ang bagong taon, balikan at alalahanin muna natin ang mga kuwento ng kababalaghang naitampok ng Balita noong Undas 2023.

Babae, pinagtangkaang dalhin sa kaharian ng mga engkanto

Sa kuwentong ibinahagi ni Gee Varona sa isang Facebook online community, matutunghayan ang nakakapanghilakbot niyang karanasan sa tinirhan nilang bahay ng pamilya niya noong late 90s sa isang subdivision sa Jaro, Iloilo.

MAKI-BALITA: Babae, pinagtangkaang dalhin sa kaharian ng mga engkanto

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Eskinitang nababalutan ng kababalaghan

Binuksan ni Kimmie Salcedo sa kuwentong ito ang isa pang takot na maaari nating makasalubong sa eskinita. Ipinaalala niyang muli na bukod sa mga tao na may masasamang balak, may iba ring elemento na nakamasid at nag-aabang sa lugar na ito.

MAKI-BALITA: Eskinitang nababalutan ng kababalaghan

Lalaki, ipinakita ang purgatoryo at kaharian ng langit sa kaibigan

Nagbibigay ng alternatibong mukha ng kabilang-buhay ang naratibong ibinahagi ni Rens Guinto sa isang Facebook online community. Tungkol ito sa kaibigan niyang matapos pumanaw ay tinupad ang pangako sa kaniya na ipapasilip ang kabilang-buhay sa oras na makarating doon. 

MAKI-BALITA: Lalaki, ipinakita ang purgatoryo at kaharian ng langit sa kaibigan

Babaeng nakaitim sa panaginip, naghahanap ng katawang sasapian

Paghahanap sa kahulugan ng panaginip ang tinatangkang isalaysay ni Fem Esmeralda sa isang Facebook online community. Nagsimula ang lahat nang magpakita sa picture ang isang babaeng nakaitim sa laman ng kaniyang mga panaginip.

MAKI-BALITA: Babaeng nakaitim sa panaginip, naghahanap ng katawang sasapian

Hindi inaasahang bisita, nagpatindig-balahibo sa isang resort sa Antipolo

Tila isang babala ang kuwentong ito ni Pia Ramirez tungkol sa isang babaeng nakaitim na wala ano-ano’y nagpakita sa isang resort sa Antipolo. Ipinahihiwatig na mag-ingat sa mga estrangherong lugar na pupuntahan posibleng may magambalang nilalang.

MAKI-BALITA: Hindi inaasahang bisita, nagpatindig-balahibo sa isang resort sa Antipolo

Tinubuan ng butlig sa mukha ang babaeng ito dahil sa ‘Evil Eye,’ mapanganib na titig

Pinatutunayan sa kuwentong ito ni Joanna Rabara Tayag na hindi lahat ng titig ay nakakakilig. Ang iba, may hatid na takot at panganib.

MAKI-BALITA: Tinubuan ng butlig sa mukha ang babaeng ito dahil sa ‘Evil Eye,’ mapanganib na titig

Dilaw na dimensiyon: kakila-kilabot na portal patungo sa estrangherong lugar

Dadalhin ka ng kuwentong ito ni Lhoy Punzalan Solomon sa isang estrangherong lugar o mas tama rin sigurong sabihin na sa malayong panahon. Sa nakaraan. Ayon kasi sa paglalarawan ni Lhoy, sinauna raw ang mga kasuotan ng mga taong nakasalubong nila sa daan nang mapadpad sila doon sa pamamagitan ng isang portal.

MAKI-BALITA: Dilaw na dimensiyon: kakila-kilabot na portal patungo sa estrangherong lugar

‘Do you belong in this class?’ Ang estudyante sa cubicle 14

Ang mundo ay puno ng misteryo, ng mga hindi maipaliwanag na penomeno. May mga hindi nakikita ang tao na malamang ay nakikita ng iba. Kaya ang kuwentong ito ni “Rosered29” ay isang mahalagang paalala tungkol sa panganib na dala raw ng pambabalewala sa mga bagay na hindi nakikita o nadarama. 

MAKI-BALITA: ‘Do you belong in this class?’ Ang estudyante sa cubicle 14