Hiniling ni Senator Imee Marcos na higpitan pa ang implementasyon ng pagbabawal sa paggamit ng paputok upang mapababa pa ang bilang ng mga nasusugatan ngayong holiday season.

Ito ang naging reaksyon ng senador kasunod na rin ng panawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr. sa mga local government unit na ipagbawal ang paggamit ng mga paputok at limitahan ang pagsasagawa ng fireworks display sa kani-kanilang nasasakupan.

"Obligado ang [present] admin pagtibayin ang dating Executive Order. So until there is another order from the Executive that supersedes EO 28-2017, the administration has to implement it," anang senador.

Nakita rin ni Marcos ang mabuting karunungan sa likod ng EO 28 dahil iniiwasan nitong magkaroon ng maling paggamit ng mga paputok na posibleng humantong sa trahedya.

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Signal No. 3, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

"Let us welcome the new year with our fingers, limbs, and lives intact," paglalahad pa ng senador.

Noong Hunyo 20, 2017 pinirmahan ni dating dating Pangulong Rodrigo Duterte ang EO 28 na lumilikha ng mahigpit na regulasyon sa paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic devices upang maiwasang magkaroon ng mataas na bilang ng insidente na dulot nito.

 

PNA