MMDA, nagsagawa ng surprise inspection sa PITX
Nagsagawa ng surprise inspection sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Procopio Lipana, kasama ang mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP).
Sa kanilang inspeksyon, inirekomenda ni Lipana ang pagkakaroon ng dagdag na seguridad, bago ang pagsakay ng mga pasahero sa bus.
Sa datos ng MMDA, nasa 121,000 pasahero ang dumagsa sa PITX nitong Miyerkules.
Simula bukas, Disyembre 22, dakong 10:00 ng gabi hanggang Enero 2, 2024, papayagan na munag dumaan ng EDSA ang mga bus na biyaheng probinsya.
Ang mga provincial bus na mula North Luzon ay dapat mag-terminate ng kanilang biyahe sa Cubao, Quezon City habang ang mula naman South Luzon ay kinakailangang mag-terminate ng kanilang biyahe sa mga bus terminal sa Pasay City.
Ang hakbang na ito ay upang ma-accommodate ang inaasahang dagsa ng mga pasaherong uuwi sa kanilang probinsya ngayong Kapaskuhan.