May 22, 2026

Home BALITA Probinsya

Ibang pasabog? Ilang residente sa North Cotabato, pinasabugan ng granada sa pagsalubong sa Bagong Taon!

Ibang pasabog? Ilang residente sa North Cotabato, pinasabugan ng granada sa pagsalubong sa Bagong Taon!
Photo courtesy: Contributed photo

Hindi bababa sa 22 katao, na karamihan ay kabataan, ang nasugatan matapos sumabog ang isang granada sa loob ng isang family compound sa Purok Ipil-Ipil, Barangay Dalapitan, bayan ng Matalam, bandang hatinggabi ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Batay sa paunang ulat ng Matalam Municipal Police Station, nagtitipon-tipon ang mga residente sa compound ng pamilyang Alejo upang salubungin ang Bagong Taon nang biglang sumabog ang isang pampasabog na pinaniniwalaang granada.

Ayon sa mga saksi, inihagis umano ang granada ng mga hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng isang motorsiklo. Agad umanong tumakas ang mga ito matapos ang insidente.

Ayon sa ulat, agad na isinugod sa iba't ibang ospital sa mga bayan ng M'lang ang mga nasugatang biktima upang mabigyan ng kaukulang medikal na atensyon.

Patuloy ang isinasagawang pursuit operations ng pulisya at militar upang matunton at maaresto ang mga suspek. Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya ng Matalam sa mga karatig-bayan para sa dragnet operations bilang bahagi ng pagsisikap na mahuli ang mga responsable sa insidente.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Isinasagawa pa ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa likod ng pagsabog at makilala ang mga salarin.