Inaasahang makaaapekto ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, sa malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, Disyembre 10, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, posibleng magdala ang easterlies maalinsangang panahon na may kasamang saglit na mga pag-ulan sa Metro Manila, maging sa mga natitirang bahagi ng bansa.

Samantala, maaari ring magdulot ang thunderstorms ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa ilang bahagi ng bansa ngayong Linggo.

Posible umano ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga lugar kung saan magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Eleksyon

Tito Sotto, bet umukit sa kasaysayan bilang unang senador na naihalal sa ika-5 termino

Sa kasalukuyan ay wala naman umanong binabantayan ang PAGASA na low pressure area (LPA) o bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).