Usap-usapan ang pagre-react ng direktor na si Darryl Yap sa mga balita patungkol kay House Speaker Martin Romualdez, sa pagiging legislative caretaker nito ng Negros Oriental at Palawan 3rd district.

Ibinahagi ni Yap sa kaniyang Facebook post ang screenshots ng ulat ng mga online newspaper kaugnay nito.

Matatandaang noong Nobyembre 8 ay nagkaroon ng plenary session kung saan pinagtibay ang motion na maging legislative caretaker ng Palawan 3rd district ang house speaker dahil sa pagpanaw ni Palawan 3rd District congressman Edward S. Hagedorn.

Siya rin ang legislative caretaker ng Negros Oriental 3rd district dahil sa pagpapatalsik naman kay Negros Oriental lawmaker Arnolfo “Arnie” Teves, Jr., dahil sa “disorderly behavior" at "violation of the Code of Conduct of the House of Representatives.”

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Komento ni Yap sa caption, "may bakanteng lote sa amin, baka gusto ring hawakan."

Noong Nobyembre 20, isa pang Facebook post ni Yap ang talaga namang pinag-usapan tungkol sa "pagkakamaling" suportahan ang kapatid ng friend.

Ngunit paglilinaw ni Yap, tungkol daw ito sa "investment" at huwag ikonekta sa politika.