Naniniwala si Kapamilya host Luis Manzano na "human nature" o likas sa mga tao na pag-usapan ang mga kanegahan sa mundo, lalo na sa mga tao.
Nasabi niya ito sa panayam niya kay Kapamilya star Andrea Brillantes, sa kaniyang talk show vlog na "Luis Listens."
Nagkasama ang dalawa sa rumelyebong noontime show na "It's Your Lucky Day" as co-hosts nang magpahinga ang "It's Showtime" dahil sa suspension ng MTRCB.
Unang tanong kaagad ni Luis kay Blythe, kumusta ang pakiramdam ng young actress na halos araw-araw siyang laman ng social media at nagte-trending pa.
Aminado si Blythe na kahit paano ay nakatutulong ito sa kaniyang showbiz career dahil lagi siyang napag-uusapan, sabi nga, good or bad publicity is still publicity.
Pero hassle din ito para sa kaniya dahil puro "negative" ang naiuulat patungkol sa kaniya, kahit wala naman daw siyang intensyong damputin ng media ang "pick-up lines" niya.
"May mga bagay na wala lang talaga dapat, or parang mag-aadvice lang ako, nagkataon lang kasi na kalog din ang ugali ko, kaya parang very pickable siya lagi, na medyo hassle na minsan kasi hindi ko naman ginusto talaga na kumalat or maging big deal 'to..." paliwanag niya.
"Maganda siya for my career, career wise, kasi laging maingay ang pangalan ko, pero nahahasselan ako minsan..."
Wish ni Andrea, sana rin pati ang inspirational pick-up lines na nasasabi niya ay dinadampot at nababalita rin.
“Sana lang, kung merong pick-up line na laging ano, parang napipick-up na nagiging relevant, sana rin ‘yong ibang inspirational na mga sinasabi ko, kasintaas din no’n, hindi lagi ‘yong… mga kuwela ‘yong laging ano eh, ‘yong laging may bitterness lagi…”
Reaksiyon naman ni Luis, sa realidad daw ay talagang mas pinag-uusapan ang mga negatibong bagay kaysa sa positibo.
“Unfortunately, human nature ‘yon eh, masarap pag-usapan ang nega. Totoo ‘yan, and sometimes, ano din tayo, guilty of it… sometimes… it’s human nature…”
MAKI-BALITA: Wish ni Andrea: inspirational pick-up lines naman ibalita tungkol sa kaniya