Nagbigay ng mensahe si dating Senador Leila de Lima para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang payagang magpiyansa ng Muntinlupa court kaugnay ng isa niyang natitirang drug case.

Matatandaang kinumpirma ng legal counsel ni De Lima na si Atty. Boni Tacarardon nitong Lunes, Nobyembre 13, na pinayagan ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 ang motion for reconsideration para sa petisyon ng pagpiyansa ang dating senador sa halagang ₱300,000.

Kaugnay nito, nakalabas na pinayagan na rin si De Lima na lumabas sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame nitong Lunes ng gabi.

‘Makakalaya na!’ De Lima, pinayagang magpiyansa

https://balita.net.ph/2023/11/13/precious-freedom-de-lima-nakalabas-na-ng-camp-crame/

Sa isa namang press conference nitong Lunes matapos siyang lumabas sa Camp Crame, isa sa mga tinanong kay De Lima ay ang tungkol sa kaniyang mensahe para kay dating Pangulong Duterte.

“God forgive him and God bless him. ‘Yun lang muna ngayon,” sagot ni De Lima.

“He knows what he did to me, I suppose.”

“I always knew that while the former president was in power, I will not be set free because my persecution was his project. So how can I be set free during his term?” saad pa niya.

Matatandaang nakulong si De Lima, kilala bilang hayagang kritiko ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte, noong 2017 dahil sa tatlong kaso hinggil sa umano’y pagkakasangkot niya sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison.

Pinawalang-sala naman ng korte ang isa sa tatlong mga drug case ni De Lima noong 2021.

Noon lamang namang Mayo 2023 nang ipawalang-sala rin ang ikalawang kaso ng dating senador.

https://balita.net.ph/2023/05/12/de-lima-pinawalang-sala-sa-isa-pang-drug-case/

Samantala, nito lamang Oktubre nang bawiin ng dalawang mga state witness ang kanilang mga testimonya laban kay De Lima matapos umano silang “makonsensya.”

https://balita.net.ph/2023/10/17/2-state-witnesses-ng-huling-drug-case-bumawi-ng-mga-testimonya-vs-de-lima/

Kasalukuyan namang nagpapatuloy ang paglitis sa isang natitirang kaso ni De Lima habang maaari siyang lumaya mula sa kulungan sa pamamagitan ng piyansa.