Trending sa X ang showbiz columnist-talent manager na si Ogie Diaz matapos palagan ng fans ng KathNiel at Andrea Brillantes ang natsika niya sa "Ogie Diaz Showbiz Update" patungkol kina Daniel Padilla at Blythe.

No description available.

Photo courtesy: X

Ayon daw sa source ni Ogie, palihim o pasikreto raw na nagkikita sina Daniel at Andrea na naging dahilan daw ng pagseselos ni Kathryn.

Napag-usapan nila ito dahil sa hindi mamatay-matay na tsikang hiwalay na sina Kathryn at Daniel.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

"Talagang pinag-uusapan sa social media 'yon ngang diumano ang hiwalayan ni Daniel at Kathryn na ang dahilan daw ay si..." pabitin na sabi ni Ogie.

"Sino?" tanong ng co-host na si Mama Loi.

"Eh siyempre hindi naman to confirmed ha. Kaya dapat marinig din natin ang panig nila. Kasi nili-link si Daniel kay Andrea Brillantes," anang Ogie.

Naloka naman sa balitang ito si Mama Loi. Anang Ogie, palagay niya ay hindi naman magagawang palihim na nakikipagkita ang aktor kay Andrea dahil "lumang tao" si DJ at may pagka-konserbatibo ito, at mahal na mahal umano si Kathryn.

"Basta, abangan na lang natin," sey pa raw ng source ni Ogie.

Kilala raw ni Ogie si Daniel na konserbatibo, at pagdating naman daw kay Kathryn ay sobrang maalaga ito.

At kung titingnan daw lately, kapansin-pansin daw na medyo sexy na ang paraan ng pagdadamit ngayon ni Kath.

Recently nga, ipinost pa ni Kathryn sa kaniyang Instagram ang kaniyang mga larawan kung saan nakasuot lamang siya ng two piece.

"Palagay mo gusto 'yan ni Daniel?" untag ni Ogie kay Mama Loi. "Pag si Daniel nakita 'yan talagang kukumutan si Kathryn. Ganoon ka-conservative itong si Daniel."

"Paano 'yon teh, nagrerebelde si Kathryn?" sundot na tanong ni Tita Jegs na isa rin sa co-hosts.

Sey naman ni Ogie, mahirap magkumpirma at magsabi ng oo dahil kailangang manggaling sa mga nasasangkot ang pahayag.

Samantala, habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Kathryn, Daniel, at Andrea tungkol sa pasabog na ito ng source ni Ogie. Bukas ang Balita sa kanilang panig. Hiningan din ng reaksiyon at komento si Ogie Diaz subalit hindi pa siya tumutugon sa aming mensahe.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, di bet makatrabaho si Andrea Brillantes?