Tila maraming nakamiss sa “Tween Hearts” nang muling mag-reunite ang ilan sa mga cast nito.

Sa Facebook post ni Joyce Ching, nag-upload siya ng isang group picture kasama niya sina Kristoffer Martin, Bea Binene, Louise delos Reyes, Barbie Forteza, at Derrick Monasterio.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

“Childhood ko, literal 🤣,” sey ni Joyce.

Bagama’t isang dekada na rin ang lumipas mula nung Tween Hearts, hindi pa rin nawawala ang pagkakaibigan nila.

Katunayan, patuloy na namamayagpag ang kani-kanilang buhay—personal man o showbiz life.

Si Joyce ay happily married sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Kelvin Alimon. Nagva-vlog din silang mag-asawa. Si Louise naman ay mapapanood sa isang horror film na may title na “Marita.”

Habang si Bea naman ay talent na ng Viva Artist Agency (VAA). Ang unang project niya rito ay ang “The Rain in España.” Si Barbie naman ay katatapos lang sa isang teleserye na “Maging Sino Ka Man.”

Si Kristoffer naman ay kakapirma lamang ulit ng kontrata sa Sparkle habang si Derrick ay mapapanood sa bagong teleserye na “Makiling.”

Kulang pa nga raw sila ayon sa netizens dahil wala raw sina Lexi Fernandez, Jake Vargas, at Joshua Dionisio.

Sila ang bumubuo ng youth-oriented drama na Tween Hearts na umere noong 2010 hanggang 2012 sa GMA Network.