Pinabulaanan ni showbiz columnist Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na” nitong Huwebes, Nobyembre 2, ang mga kumakalat na balita tungkol sa aktres na si KC Concepcion.

“Sobra naman na talaga ang iba. Magkaroon lamang po ng content e lumalabis na po sa kailangan lang,” pahayag ni Cristy.

Sang-ayon naman ang co-host niyang si Romel Chika: “Oo, dapat hindi. Sana magpakatotoo po tayo sa ating mga ibinabalita kasi marami po tayong nalilinlang sa maling impormasyon.”

“Ito po ‘yung tungkol kay KC Concepcion…na nagpakasal na raw po sila ni Steve Michael sa Switzerland…Dumalo raw si Sharon Cuneta, si dating senador Kiko Pangilinan, at nandoon si Gabby Concepcion,” sabi ni Cristy.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Dagdag pa niya: “Mayroon pa raw isyu na nagparetoke si KC. At ngayon, buntis na si KC.”

Kaya ang payo ng showbiz columnist sa kanilang mga tagasubaybay, mag-ingat sa mga makukuhang impormasyon dahil marami umanong kumakalat na mga pekeng balita. 

Matatandaang may mahalagang papel na ginampanan si KC sa reunion concert ng kaniyang mga magulang na sina Sharon at Gabby. 

MAKI-BALITA: ‘Family reunion?’ Sharon, KC, Gabby nagsama sa iisang stage

Kasamang dumalo ng aktres ang kaniyang jowang si Steve. Sa katunayan, “pinagbantaan” pa nga ni Sharon ang lalaki sa mismong venue ng event.

MAKI-BALITA: Sharon may ‘banta’ sa afam na jowa ni KC

Pero kung papansinin si KC noong concert, tila wala namang pinagbago ang pisikal na hitsura ng aktres para pagdudahang buntis nga ito at nagparetoke.