Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Martes ng madaling araw, Oktubre 31, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:11 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 59 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 114 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Pinaos pa: Bayad ng UniTeam kay Andrew E, sinayang lang daw—Guanzon

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.