Magpapakalat ang Philippine Red Cross (PRC) ng mga emergency medical services (EMS) personnel para sa kanilang Undas 2023 Operations sa buong bansa nang libre.

Sa isang kalatas nitong Biyernes, sinabi ng PRC na ang kanilang mga volunteers at staff ay magkakaloob ng medical assistance sa bus terminals, seaports, airports, highways, memorial parks, at mga piling thoroughfares.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard “Dick” J. Gordon, “makakaasa ang ating mga kababayan na ang mga volunteers at staff ng Philippine Red Cross ay laging una, laging handa, at laging nandyan para sa kanila sa oras ng medical emergency."

Dagdag pa niya, "I commend our staff and volunteers who help our kababayans during big events such as Undas."

Nabatid na noong 2022 Undas operations, umaabot na sa mahigit 3,000 indibidwal na may minor at major medical emergencies ang natulungan ng PRC.

“We would like to see a culture of safety in our country. We hope every Filipino family will place importance on safety and train their family members, too, on first aid. We do have training courses that are available to the public,” ayon naman kay PRC Secretary-General, Dr. Gwen Pang.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng PRC EMS at first aid training programs, gayundin sa reserbasyon para sa EMS services sa mga malalaking pagtitipon, maaari umanong mag-email sa [email protected] o di kaya ay tumawag sa numerong 8790 2366.