Pinagtibay ng United States (US) government nitong Lunes ang pangakong itaguyod ang Mutual Defense Treaty (MDT) nila ng Pilipinas kasunod ng nangyaring insidente sa Ayungin Shoal nitong Linggo ng umaga.

“The United States reaffirms that Article IV of the 1951 US-Philippines Mutual Defense Treaty extends to armed attacks on Philippine armed forces, public vessels, and aircraft – including those of its Coast Guard – anywhere in the South China Sea,” bahagi ng pahayag ng State Department.

Ipinaliwanag sa U.S., pumapanig sila sa Pilipinas sa nangyaring insidente kung saan nagkaroon ng mapanganib na pagmamaniobra ang barko ng China Coast Guard (CCG) at Chinese maritime vessel na naglagay sa panganib sa buhay ng tropa ng pamahalaang kasama sa resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Nabangga ng CCG ang resupply boat ng Pilipinas habang ang barko ng PCG ay nabangga rin ng Chinese maritime militia sa naturang resupply mission.

"By conducting dangerous maneuvers that caused collisions with Philippine resupply and Coast Guard ships, the PRC (People’s Republic of China) Coast Guard and maritime militia violated international law by intentionally interfering with the Philippine vessels’ exercise of high seas freedom of navigation. Obstructing supply lines to this long standing outpost and interfering with lawful Philippine maritime operations undermines regional stability,” ayon pa sa pahayag ng U.S. government.

Ang reaksyon ng U.S. ay tugon sa pahayag ng Beijing na ang nasabing hakbang ay bahagi ng pagharang sa resupply mission ng Philippine government sa Ayungin Shoal.

Ang Ayungin Shoal ay nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

PNA