ZAMBALES - Dalawang pinaghihinalaang operator ng isang drug den ang inaresto ng mga awtoridad sa Subic nitong Linggo.

Pansamantalang nakakulong sa Philippine  Drug Enforcement Agency (PDEA)-Zambales sina Juvie  Aquisap, 30, at Bryan Breannan , 35.

Sina Aquisap at Breannan ay dinampot sa Purok 3-A, Barangay Calapacuan nitong Oktubre 22.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kasama rin sa dinakip ang kanilang kasabwat na si Michael Wab, 38.

Kumpiskado sa mga ito ang ₱103,500 na halaga ng illegal drugs at marked money.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek.