Sinabi ni social media personality Whamos Cruz sa kaniyang latest vlog kamakailan na sumailalim umano siya sa isang operasyon dahil sa kasalukuyang kondisyon ng kaniyang mata.

Ayon kay Whamos, mayroon daw siyang katarata kaya lagi siyang nakasalamin, ibinahagi rin niya ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng ganoong kondisyon.

“Nakuha ko kasi ‘yung katarata ko sa kaka-flash. Di ba maraming nagpapa-picture sa akin minsan tuwing gabi. ‘Pag lalo na may mga event kami. So ‘yung flash ng mga camera nila, sumasapak sa mata ko. So, doon siya naging malabo,” saad ni Whamos.

Kaya may mga pagkakataon umano na hindi na siya nakakapagmaneho pa sa gabi dahil baka maging sanhi pa ng aksidente. Makabangga, halimbawa. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Saad pa niya: “Ngayong araw na ‘to, maooperahan na ‘yung isang mata ko. Isang mata pa lang. So kinaumagahan, ‘yung isang mata naman. So, dalawa ‘yung ooperahan sa akin, mga par. So, sana po maging successful.”  

Sa awa ng Diyos, matagumpay namang naisagawa ang operasyon niya sa kaniyang kanang mata.

Sa nakaraang vlog naman ni Whamos ay nakaharap niya ang kaniya umanong “long-lost father” na si Joselito Achacoso.

MAKI-BALITA: Whamos Cruz nakaharap na ang ‘long-lost father’

Naiyak pa nga si Joselito dahil sa ibinigay na paayuda ng kaniyang “anak”.

MAKI-BALITA: ‘Long-lost father’ naiyak sa bonggang paayuda ni Whamos Cruz