May 22, 2026

Home BALITA National

Sen. Win Gatchalian idiniin pagsusulong ng edukasyon, health centers, pamahalaan sa Pag-asa Island!

Sen. Win Gatchalian idiniin pagsusulong ng edukasyon, health centers, pamahalaan sa Pag-asa Island!
Photo courtesy: Sen. Win Gatchalian (FB)

Personal na nagtungo si Sen. Sherwin Gatchalian sa Pag-asa Island kung saan sinalubong siya dito nina Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Rear Admiral Jay Tarriela at Kalayaan Island Vice Mayor Maurice Phillip Alexis Albayda. 

Ayon sa naging pagpunta ni Gatchalian sa nasabing isla noong Biyernes, Marso 20, 2026, nagawa niyang idiin ang kahalagahan ng pagsusulong ng edukasyon, kalusugan, at pamahalaan ng Pag-asa island. 

“Ang maco-commit ko, first, education, health, [at] governance,” pagsisimula niya. 

Ani Gatchalian, itinatayo na raw ang campus sa eskwelahan at mga health center sa nasabing isla. 

“‘Yong mga schools, tinatayo na. I promise the principal na ‘yong campus… kasi nakita naman natin walang campus siya,” aniya. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Dagdag pa niya, “‘Yong health centers, ipapatayo rin natin. We also promise to put the mas malalaking health centers. Then ‘yong principal hall nila na for the very long time [ay] hindi na nagagamit.” 

Bukod sa mga nabanggit, binigyang-diin din ni Gatchalian ang tungkulin nilang masuportahan ang PCG sa pagsu-supply ng gobyerno ng gasolina para magamit ng nasabing ahensya sa pagbabantay sa isla. 

“Also for the coast guard. Ngayon ang government is under a lot of stress because of the high cost of fuel. Alam natin, ang coast guard natin, gumagamit din ng fuel every single second,” ‘ika niya.  

“So, we committed to support them ‘yong kanilang fuel requirement all the way to the end,” pagtatapos pa niya. 

Samantala bago nito, matatandaang nauna na ring bumisita noon ang kapuwa niya senador na si Sen. Risa Hontiveros noong Pebrero 21, 2026, sa Kalayaan Island Group (KIG) bilang tanda umano sa pagtindig para sa West Philippine Sea (WPS).

Ani Hontiveros, hindi raw dapat pabayaan ang mga Pilipino at munisipalidad sa KIG at tunay raw na napakaganda ng nasabing isla kaya dapat lang daw na protektahan at ipaglaban ang pag-aari ng Pilipinas.

MAKI-BALITA: Sen. Risa, personal na bumisita sa Kalayaan Island Group!

KAUGNAY NA BALITA: PCG Spox Tarriela, taos-pusong nagpasalamat kay Sen. Risa: ‘Snappy salute for her bravery’