Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Pinusuan ng mga netizen ang remedial reading activity ng isang guro mula sa Pamatawan Integrated School sa Subic, Zambales dahil sa nakahihikayat nitong pakulo.

Tinatawag itong "Reading Apparel" ni Teacher Rommel Quinsay, 40-anyos at guro sa Grade 3 sa nabanggit na paaralan.

Kahika-hikayat sa mga mag-aaral ang pagbabasa ng iba't ibang teksto sa English at Filipino dahil nakalagay ito sa mga cut-outs na nakadisenyo, nakakorteng damit, at naka-hanger pa na tila nasa isang boutique o shop ang mga mag-aaral.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Teacher Rommel, sinabi niyang bilang isang guro sa primarya, kaakibat ng kaniyang tungkulin sa pagtuturo ang pag-iisip ng iba't ibang paraan, estratehiya, at teknik upang makuha ang pansin ng mga mag-aaral.

"Dahil nasa primary grade ako kailangan maraming iba't ibang estratehiya o teknik sa pagtuturo para madaling matuto ang mga bata at hindi sila maboring sa klase," paliwanag niya.

"Gusto ko kasi sa klase ko ay masaya at maraming activities ang mga bata. Isa sa naisip ko na activity para sa remedial reading ay ito ngang Rommel's Reading Apparel, ito ay makukulay na babasahin sa wikang English at Filipino na may korteng damit."

"Gumawa rin ako ng improvise na sampayan para mas kawili-wili sa paningin ng aking mga pupils. Nagpapasalamat din ako sa page ni Teacher Ljoy sa pag-share ng ideya na ito," aniya.

Epektibo naman kaya ang ganitong estratehiya?

"Para sa akin naging epektibo naman ito sapagkat laging excited ang mga pupils ko na pumasok sapagkat nakikita nila ang makukulay na babasahin. Naging mabilis din silang bumasa. Tapos yung mga lider ng klase pinapabasa rin nila ang mga di pa gaanong makabasa."

Kaya naman mensahe ni Teacher Rommel sa mga kapwa guro, "Para sa mga kapwa ko guro, ipagpatuloy lang natin ang pagtuturo ng may puso at dedikasyon lalong-lalo na sa pagpapabasa sa mga bata."

"Maging malikhain po tayo sa ating mga gagamiting mga kagamitang pampagtuturo."

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!