Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar nitong Martes ng hapon, Oktubre 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:45 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 25 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar, na may lalim na 88 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Probinsya

Rider na humarang sa nagmamadaling truck ng bumbero, buminggo sa LTO

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.