Ni-reveal ng Ben&Ben percussionist na si Tony Muñoz sa kaniyang Instagram account noong Huwebes, Oktubre 12, na na-diagnose umano siya ng isang neurological disorder na kung tawagin ay Bell’s Palsy.

“Hello! I’ve been intending to share something with all of you pero ngayon lang ako nagkaroon ng headspace at lakas ng loob para gawin. Meron akong life update: a few days before we flew to Sydney for Ben&Ben’s 1MX show, I was diagnosed with Bell's Palsy. The left side of my face is paralyzed, so as some of you might have noticed (lalo na sa mga na-meet namin sa Sydney), I can only wear half a smile, and there’s bit of change in the way I speak,” pahayag niya sa caption ng kaniyang post.

Sabi pa niya: “Sa mga makakakita sa akin, maninibago kayo s'yempre at okay lang 'yun! Ako rin nga hindi pa rin sanay. I am slowly getting used to this day by day, but I wouldn’t be truthful if I said that it’s easy. It’s a roller coaster of an experience, physically, mentally, emotionally.”

Pero sa kabila ng lahat, nagpapasalamat pa rin umano siya dahil napapaligiran siya ng mga mapagmahal na tao na sumuporta at kumalinga sa kaniya sa mga nakalipas na araw. At bagama’t mas naging challenging ngayong gawin ang trabaho niya, masaya pa rin umano siya dahil nakakatugtog at nakakakanta pa rin naman siya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Ayun lang! Just putting this out here para lang hindi kayo magtaka/magulat when you see me, at para na rin sa akin, para mas lumakas 'yung pagtanggap ko na ito ngayon ang aking realidad. Gagaling naman ako, kailangan lang maghintay. Sa ngayon, kahit kalahati lang ang aking mga ngiti, buo pa rin ‘yan galing sa aking 🤍.

“Kasali talaga sa buhay ang mga sorpresa. Kaya nga ito maganda. Marami pa ring dapat ipagpasalamat.”

Sa huli, pinaalala niya na mag-ingat ang lahat at magkita-kita sa darating nilang concert sa Dubai.