Sinampahan na ng kaso ng Department of Agriculture (DA) ang 40 na umano'y smuggler ng sibuyas sa bansa.

Ito ang isiwalat ni DA Assistant Secretary James Layug sa isinagawang Senate Finance Sub-committee hearing nitong Huwebes.

“We have around 20 consignees who are on deck for filing cases under Republic Act (RA) No. 10845,” anang opisyal.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

"Right now, we have already filed 40 cases under the Anti-Agriculture Smuggling Law, another 10 under the Food Safety Act, and one more under the violation of the meat code,” ani Layug.

Aniya, ang mga nasabing kaso ay isinampa sa Bataan, Manila at Batangas at hinihintay na lamang ang resolusyon ng mga ito.