Kasalukuyan nang hindi umeere sa Pilipinas at sa iba pang bansa sa Timog Silangang Asya ang ang ilang Disney Channels gaya ng Baby TV, National Geographic, National Geographic Wild, Star Chinese Movies, Star Chinese Channel, Star Movies, at Star World.
“The Walt Disney Company has decided to cease the broadcast of these Disney channels in Southeast Asia, including the Philippines effective October 1, 2023. As a result, all pay TV operators in the country will no longer be able to offer these channels,” pahayag ng SKY Cable.
Pero mapapanood pa rin naman ang mga nasabing channel sa Disney+, isang online streaming platform na bahagi ng Walt Disney Company.
Bukod sa National Geographic, mapapanood din sa nasabing online streaming platform ang mga pelikula at palabas ng Pixar, Marvel, Star Wars, at Star.
Matatandaang noong Nobyembre lang ng nakaraang taon nagsimulang maging available ang Disney+ sa Pilipinas.