Posibleng ibaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert level status ng Bulkang Mayon.

Ito ay matapos ipahayag ng Phivolcs nitong Biyernes na maliit ang pagkakataong magkaroon ng explosive eruption ang bulkan.

National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

"The parameters we are observing now are not too elevated, compared to the parameters observed in July and August," paglilinaw ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol sa isinagawang public briefing. 

Dalawang dahilan aniya ang ikokonsidera ng ahensya bago ibaba sa Level 2 ang alert status ng bulkan--kapag huminto ang pagbuga ng lava at pyroclastic density current (PDC) events nito.

"That is the behavior of a volcano when there is an effusive eruption," ani Bacolcol at sinabing asahang magtuluy-tuloy pa ito ng ilang linggo.

Matatandaang isinailalim sa Level 3 ang alerto ng bulkan simula nitong Hunyo at ito ay nangangahulugang asahan ang matinding pag-aalburoto nito sa mga susunod na linggo.

Sa nakaraang 24 oras, yumanig ng 18 beses ang bulkan, bukod pa ang 125 beses na pagpapakawala ng mga bato at tatlong PDC events.

Ipinatutupad pa rin ang 6-kilometers radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan, ayon pa sa Phivolcs.

PNA