Naglabas ng pahayag si Issa Pressman tungkol sa kaniya umanong pagiging “fully healed.”

Sa kaniyang Instagram post, nagbahagi si Issa ng ilang mga larawan kasama ang nobyong si James Reid habang nagpapagaling sa kaniyang karamdaman.

“[I’ve] been hiding in my little cave.. now I can say, once again, I am brave. All the blacks and grays will fade, all my colors are coming back,” ani Issa sa naturang post.

“I am fully healed.. my doctor yesterday cleared me. Ill share my story next time but now I just want sayyyyyy that I have healed.. physically, mentally, emotionally and spiritually (but still putting the work in everyday).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“[I’ve] been saying ‘I am healing’ now im sayinnnnn ‘I am Happy’ 🤎🌞✨,” saad pa niya.

Agad namang nagbigay ng komento ang kapatid na si Yassi Pressman sa naturang post ni Issa.

I’m so happy you’re final okay 😭❤️🫶🏻,” ani Yassi.

Matatandaang nito lamang Agosto ay ibinahagi ni Issa na sumailalim siya sa operasyon upang maalis ang cyst sa kaniyang vocal cord.