Babantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang implementasyon ng price ceiling sa bigas sa buong bansa.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ito ang tiniyak ni DTI Secretary Fred Pascual at sinabing makikipagtulungan sila sa Department of Agriculture (DA) at iba pang ahensya ng pamahalaan upang pakilusin ang kanilang Local Price Coordinating Council upang matiyak ang epektibong implementasyon ng price cap simula Martes, Setyembre 5.

“We recognize the urgency of addressing the escalating rice prices in the market. In parallel, it is imperative to maintain stringent oversight over rice pricing and supply to preclude any potential hoarding and price manipulation by traders and retailers,” anang opisyal.

Aniya, makikipag-ugnayan na rin sila sa Philippine Competition Commission upang gumawa ng hakbang laban sa kartel na nagmamanipula ng presyo ng bigas.

Kaugnay nito, nanawagan din si Pascual sa publiko na isuplong kaagad sa kanila ang mga negosyanteng nag-o-overprice at nagtatago ng produkto.