Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Cagayan nitong Lunes ng umaga, Agosto 21, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan kaninang 4:11 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 21 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Dalupiri Island sa Calayan,Cagayan, na may lalim na 16 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Eleksyon

Matapos manalong alkalde: Kerwin Espinosa, binasa Local Government Code ng PH

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.