Kinuyog umano ng pintas at panlalait mula sa mga netizen ang official poster ng pelikula nina Aljur Abrenica at Elizabeth Oropesa, patungkol sa biopic ng isang pastor.
Ang nabanggit na pelikula ay may pamagat na "Sa Kamay ng Diyos."
Si Aljur ay siyang gaganap bilang Pastor Jonard N. Pamor, at ang pelikula ay produced ng JPM Film.
Sa poster, makikitang nakasuot ng puting polo si Aljur habang nakamuwestra pataas ang kaniyang mga kamay, gayundin ang paningin.
Tila napalilibutan siya ng tubig na kumorteng ipo-ipo dahil may mga isda-isda pa rito.
Banat ng netizens, tila "school project" level lang daw ang poster, ayon sa ulat ng Fashion Pulis.
"Nice performance task!"
"Pang-Grade 10 output, o baka nga pang-elementary pa eh..."
"Mas magagaling pa students sa paggawa ng posters eh."
"Low quality sa poster pa lang paano pa kapag mismong movie na?"
"Nakita ko na naman ito, tawang-tawa ako d'yan nung isang araw pa. Parang gawa ng elementary hahahaha."
"Not just the poster pero yung mismong movie eh nakakatawa sa sobrang panget parang comedy na kahit drama naman talaga."
"WordArt o Window paint brush yata ginamit dito hahaha."
"May Canva or Adobe Express na if nahihirapan sa photoshop. Ang daming Pinoy sa VA world ang magaling sa graphic design sayang ibang lahi nakikinabang sa talent nating Pinoy."
Samantala, may mga nagsabi namang baka sinadya ito upang mag-viral at pag-usapan ang pelikula.
"Good marketing! Sinadya 'yan para mapag-usapan, mag-trending. Kasi kapag maganda ang pagkakagawa parang given na."
"For sure sadya ito para mag-viral sila, hayaan n'yo na."
"Baka sinadya para gumawa ng ingay?"
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Aljur tungkol dito.