Tila marami talaga ang LSS sa theme song ng “It’s Showtime” segment na “Mini Miss U,” matapos itong makapasok sa listahan ng viral songs sa music streaming platform na Spotify.

Ibinahagi sa official Facebook page ng noontime show ang tagumpay nang nasabing segment theme song na siyang inawit ng young artist na si Imogen Cantong.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Proud na proud naman ang nanay ni Imogen na si Kaye Cantong sa achievement na ito ng kanyang anak, kasabay ng pagpapasalamat sa mga sumusuporta dito.

“Yung pangarap lang talaga ni Imogen na makita name niya on Spotify.. pero ngayon parehong may 100 thousand plus streams ang mga songs niya!!!! Imogen anak, we are sooo proud of you!!!!! Grabe ito. Thank you so much for loving and supporting our baby! We  love you all!!! Lord, Maraming Salamat,” lahad ni Kaye sa isang Facebook post.

Sa ngayon ay halos may 200k streams na sa Spotify ang nasabing awitin kasabay ng kaliwa’t kanang dance challenge sa iba’t ibang social media platforms.

Nakilala ang 6 years old na si Imogen dahil bahagi ito ng “batang cute-po” ng “It’s Showtime.”