Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nag-donate ang Land Bank of the Philippines (LBP) ng ₱200,000 bilang ayuda sa mga pamilyang inilikas dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ang nasabing donasyon ay personal na tinanggap ni Albay Governor Edcel Lagman mula kay LBP-Legazpi City branch head Cesar Ramirez nitong Huwebes.

Nagpasalamat ang gobernador sa pamunuan ng nasabing bangko na isa sa government financial institution (GFI) ng bansa dahil malaking tulong ang nasabing donasyon para sa mga pamilyang naapektuhan ng tumitinding pag-aalburoto ng bulkan.

Dumalo rin sa turnover ceremony sina Albay Provincial Treasurer Mayflor Atos-Deang at Provincial Information officer, concurrent Provincial Administrator Marylou Duka Castillo.