May 16, 2025

Home BALITA Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay
Photo courtesy: Contributed photo

Bangkay na nang natagpuan ang katawan ng isang 17 taong gulang na dalagita at anak niyang 2-anyos sa Barangay Talogoy, Malita Davao Occidental.

Ayon sa mga ulat, nasa "state of decomposition" na o nagsisimula na raw mabulok ang mga labi ng biktima nang sila ay marekober. Nagtamo ng mga taga sa ulo at leeg ang mag-ina na hinihinalang sanhi ng kanilang pagkamatay.

Ayon pa sa Malita Police, tinatayang nasa tatlong araw na raw patay ang mag-ina.

Samantala, kinilala naman ng mga awtoridad ang suspek at mismong padre de pamilya ng mga biktima na nasa kustodiya na ng mga awtoridad matapos silang magkasa ng hot pursuit operation.

Probinsya

2 roving pulis, patay sa tama ng kidlat

Selos umano ang hinihinalang motibo sa krimen.