Nakumpiska ng pamahalaan ang ₱2 milyong halaga ng puslit na frozen meat products sa ikinasang pagsalakay sa dalawang restaurant sa Pasay City kamakailan, ayon sa Department Agriculture (DA).

Sa report ng DA, pinangunahan ng Office of the Assistant Secretary for Inspectorate and Enforcement (IE) ng ahensya ang operasyon, kasama ang Pasay City government, DA-National Meat Inspection Service (NMIS) at Philippine Coast Guard nitong Hulyo 21.

Sa unang operasyon laban sa isang restaurant and mini-mart, nasamsam ang 700 kilo ng Peking ducks, black chickens, kalapati at iba pang meat products dahil sa kawalan ng papeles nito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Wala namang maiharap na dokumento ang namamahala sa ikalawang restaurant kaya kaagad na sinamsam ang 334 kilo ng imported frozen na Peking duck, rabbit, yellow chicken, suckling pig, at iba pang karne.

Panawagan naman ni DA Assistant Secretary James Layug sa publiko, i-report sa kanila ang mga insidente ng agricultural smuggling upang mapanagot ang mga may-ari nito.