Kinaaliwan ng netizens ang kwelang komento ng aktres na si Rosanna Roces sa hubad na larawan ng aktor na si Joseph Marco.

Sa Instagram post ni Marco noong Miyerkules, Hulyo 19, agaw pansin sa netizens ang komento ni Rosanna.

“Mga accla kuha na tayo ng kanin, may ulam na 😂😂😂,” aniya.

Sinagot naman ito ni Joseph at nagpasalamat pa sa aktres.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

@therealrosannaroces hahahaha! O!! Thank you for making my comment section so fun 😅 miss you! 🤗,” aniya.

Sumagot din ang netizens sa naturang komento ni Rosanna sa aktor.

“Isang kalderong kanin po ba kaya?”

“Kuha ka na rin ng panulak baka mabulunan ka.”

“Mamsi all you can eat rice pls!”

“Tirhan mo kami miiii.”

“Unli rice na yan Miss O!”

“Ito na po, nagsasaing na. Isang sako na ba?”

Para naman sa isang underwear brand ang naturang larawan ni Joseph na siyang isa sa mga modelo nito sa Pilipinas.